Legion

Chuckie + The Unborn + Night of the Living Dead na may potanginang mahahaba’t nakakaantok na shitty dialogues. Parang sa misang Katoliko, ilang beses akong nakatulog. As in, pramis.

Daybreakers

Ang pinakamahusay at pinakanakakagulantang na eksena sa pelikulang ito ay naganap sa unang sampung segundo nang mula sa wala ay biglang lumipad ang isang paniki. Muntik ko nang madampot at maibato ang tsinelas ko sa telon ng sinehan sa gulat. “Wag!” sabi ng kasama ko. “Havaianas yan.” Hinubad niya ang butas-butas at gula-gulanit niyang itim na Converse sabay pukol sa harapan. Tumakbo kami palabas matapos marinig ang malakas na “the fuck!”.

“Balik tayo,” sabi ko. “Sayang ang bayad.”

“Wag na. Parang mas masaya yung Universal Soldiers.”

Pagbalik namin sa tiketera, napansin naming kulang pang pangvaluemeal ang aming pera.

“Uwi na lang tayo. Birthday special ni Sharon.”

Peste-bal 09, ayon sa MTRCB

Dahil noon pa nasabi ko na, wala kasing nagbabasa ng mga patawang MTRCB reviews na ito. So bakit ko pinagtitiyagaang ipost ngayon? Para maiabolish ang MTRCB? Ang MMFF? Kevs!

Akin ang nasa [ ].

Shake Rattle and Roll 11

Rating: G

After the productions undertook voluntary deletions to shorten the scenes of gore and scary portions, the committee voted to recommend a “G” or “General Audience” classification.  [So pwedeng patayin sa sindak ang bata pero dapat 10-15 seconds lang. Sige ilabas si Satanas sa 12. Pero patay na si Romy Diaz.]

The committee further notes the artistic merit in the plots employed; and the cutting edge special effects. [See wedding dress sa picture above. Balita ko ginamitan to ng WETA. Hindi nga. Hindi totoo ang tsismis na tinalian lang ng nylon yan.]

Likewise since this film is an entry in the Metro Manila Film Festival, the Members of the Committee took this fact into consideration. [Anong fact? What the fuck?]

Prepared by: Susan Umali

Reviewed by: N. del Prado, M. Hernando, Laguardia

I Love You Goodbye

Rating: PG-13

Please refer to the attached synopsis. [Wala pong synopsis. Kahit itanong pa sa manager ng sinehan.]

Some intimate scenes have convinced the Committee Members to recommend A “PG” or Parental Guidance-13Classification. [Ang tsismis sa bakuran ng ABS, dapat si Kim at Angelica talaga ang may relasyon dito. Pero ayon kay Mam Charo atbp bosing sa Star, tama na, minsan lang sila gagawa ng pelikula tungkol sa mga bakla.]

The film bears the redeeming value of artistic excellence in cinematography, acting and screenplay. [Wow! Sinematograpiya tungo sa redempsyon ng moralidad? Sindihan lahat ng flashlight!]

Likewise the fact that this film is an entry in the MMFF is one of the factors considered by the committee. [Fact you din!]

The committee further recommends the posting of this parental advisory. “Some scenes of romance and intimacy may require viewer discretion. [Gabby at Angelica? Potah! Siyempre naman!]

Prepared by: Susan Umali

Reviewed by: N. del Prado, M. Hernando, E.H.J. Mallonga

Ang Panday

Rating: G

Sequel of the Panday series where Flavio meets the demon Lizardo, who killed his parents when he was young. They meet again now that he is a grown man and he defeats Lizardo. G recommended as the story is a fantasy where children can enjoy. [Bubuhayin daw sana si FPJ para sa bersyong ito gamit ang CGI pero naghabol si Mama Susan. Wala daw baby fats ang mister niya. At makuntento na raw tayo sa superspecial guest appearance ni Anne Curtis bilang diyosa ng lumot at kulambo.]

Prepared by: Elias Pura

Reviewed by: R. de Leon, H.C. Bautista, Laguardia

Ang Darling Kong Aswang

Rating: G

Horror fantasy-comedy contains mild violent scenes involving mythical creatures, specifically “aswangs”, an advisory is recommended: “SOME SCARY HORROR SCENES MAY NEED VIEWER DISCRETION”. [Ibinatay ito sa bilang ng eksena ni Allan K at Ritchie D’Horsey.]

With the voluntary deletions on two brief sex-oriented scenes, and the inclusion of the advisory, this movie is allowed for a GENERAL AUDIENCE. [Ayon sa grapevine, ang una ay ang bestiality scene ni Vic kasama si Christine bilang aswang. Ang ikalawa ay shot ng 2 askal, opo askal lang naman, na nagkakangkangan. Hindi kasi mapag-iba ng mga taga-MTRCB kung alin ang mas scary. Ika nga ng isang opisyal, “they all look like dogs to me.”]

Prepared by: Shirley Galica

Reviewed by: E.H.J. Mallonga, M.C. Concordia, Laguardia

Mano Po 6: A Mother Love

Rating: G

The production representative have offered to delete two shots which may disturb and traumatize children. Without these scenes, the movie may be viewed by children. [Opo, totoo ang tsismis. Ang dalawang eksenang inalis ay mga cameo ni Mother Lily.]

Prepared by: Leopoldo del Mundo

Reviewed by: M. Hernando, T. Villarama, Laguardia

Nobody But Juan

Rating: G

There are no objectionable scenes, and this film is fit for a filmfest; okay for ‘G.’ [Tangna naman! Hindi pa ba objectionable ang eksena sa larawan? Titigan mo. Oo, titigan mong mabuti. Naman!]

Prepared by: Leopoldo del Mundo

Reviewed by: N. del Prado, J.S. Gavino, Laguardia

Wapakman

Rating: G

Scenes are family-oriented and generally wholesome. May thus be shown to all types of viewers. [Napanuod daw ito ni Hollyfield kaya’t umatras ang boksingero sa iniiskedyul nilang match. Wala daw siyang powers laban sa isang superhero.]

Prepared by: Susan Umali

Prepared by: N. del Prado, V. dela Cruz, B. Molina

I can name three songs with the words In My Life

feature3_mainImg

Noong isang araw, sa SNN, parang walang ibang happening sa mundo ng ABS-CBN (oo, aminin na, Star Studio News Ngayon dapat ang name ng show), kundi In My Life. Kaya’t nang nakangiting ibinabalita ni Toni Gonzaga ang aksidenteng muntik ikabulag ni dear Coco, pinag-isip ako, kaya ba may hype sa pelikulang ito dahil:

a. buhay pa ang mga solid Vilmanians edad 40-70
b. Gov na si Ate Vi at malapit na ang eleksyon
c. sa SNN at iba pang PR makinarya ng Lopez
d. ang cute ni John Lloyd
e. tungkol na naman ito sa kabaklaan (yoohoo! direk Joey Reyes, wer na u?)
f. all of the above

Key in your answers by typing INMYLIFE space [Letter of your choice] and send to 2366. Antayin nyo ang reply ng asawa ni Florinda.

Four Christmases

4xmas

Pinanood namin ito.  Ewan ba.

Twilight

twilight2

Nang sumambulat ang tila orkestradong tili sa unang silip kay Robert Pattinson sa pelikula, alam kong ibang mundo ang napasok ko. At hindi ito ang mundo ng mga bampira o danag, kundi ang mas kahindik-hindik na mundo ng mga nireregla nang kadalagahan ng Poveda/Miriam/etc. na animo’y mangangamatay kung magkikikisay sa sobrang kilig sa sinehan. Naaamoy sa hangin ang nag-iinit na pawis na sumisirit mula sa kanilang mga singit at tinggil. Pihadong mapalad ang mga boyfren ng mga babaeng ito nang gabing iyon, kahit hindi nila kahawig si Pattinson, o si Robert Smith ng The Cure. Iyan ay kung batid ng mga ito kung paanong mapagsisilbing aphrodisiac o pampalibog ang mga eksena ng romansa sa pelikula bago ito isara, oo, hindi ng The Boston Drama ng Typecast (wishing ka pa) o Lovesong ng The Cure, kundi ng di maipaliwanag na 15 Steps ng Radiohead.

Walang Kawala (No Way Out)

noway

Posibleng direktang pinaksa na ng pelikulang ito ang politikal na usapin ng desaparecidos. Posibleng ito ang nawawalang sequel ng pelikulang Huwag po! Huwag po! Posibleng ikaw na mismo ang magfill-in-the-blank sa tanong na “Ano raw?” at magkandapilipit man ang dila mo sa paliwanag, pihado gayon pa rin ang magiging pagtangkilik dito. Dahil walang inaabangan at walang ibang mahalaga para sa sandamukal na mga bakla sa loob ng sinehan, lalo na ang mga nakatayo sa likuran kahit pa kadaming libreng upuan, kundi ang pagleleps-to-leps ni Bitangcol at Ravales, liban pa sa mga eksena ng macho dancing. Kahirap maging lalakeng artistang walang career sa telebisyon sa panahong ito ng piniratang DVD at mas liberal na homosexualidad. Pampatigas-titi na lang ang papel nila sa altar ng merkadong handang dumayo sa UP Film Center at sa dadalawang sinehang pinagpapalabasan ng ganitong palabas. Narito ang bagong uri ng kanibalismo, nasa luklukan ng “katalinuhan” at komersyo, at paglabas mo ng sinehan, nangangamoy di lang dugo kundi pati tamod.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.