Buwanang Imbakan: Agosto 2008

sandler-zohan

Kinailangan nating maaliw upang maisantabi ang ngitngit sa biglaang bentahan ng tickets sa Eraserheads concert kaya pinanood natin ang Zohan. Nananaginip ng gising sina Sandler and Co. kung nangangarap silang ganito kadaling madi-disentangle ang ilang taong alitan sa pagitan ng Israel at lahat ng kaaway nito (Palestine, Lebanon, etc). Manirahan sa multikultural na Amerika, bansang bagsakan ng mga tumatakas sa gulo at kahirapan sa kani-kanilang bansa. Hindi ba’t ito rin ang panaginip/wish ng sinuman? Ngunit kung kasingkapal ng bulbol ni Zohan ang kailangang ma-rebond upang makamit ang ganitong pangarap, mainam pang umumit ng Gilette at ahitin ang kasukalan. Pero hindi nag-trim ng bulbol si Zohan—patunay na hindi siya nangangarap bagkus ginagawa lamang katawa-tawa ang isang napakaseryosong bagay na araw-araw ay kumikitil ng buhay (walang tunay na inosente o sibilyan sa anumang digmaan). Ito marahil ang puntong hindi palalagpasin ng mga kritikal na observer ng problema sa Gitnang Silangan—na ang kakulangan ng kaseryosohan na resolbahin ang problema ang dahilan sa patuloy na paglala ng problema. Kaya’t napapanahon na ang satirika para magising ang lahat at ang lahat ay would get their acts together? Aysus! ika nga ng Pedicab. Natatawa ako, hihihihi, ika nga ng Yano.