Kategoriya ng mga Imbakan: Pinirata

Bangungot sa makeup artists ang anumang pelikula na may sandamukal na bakulaw. Ngunit kung ang mga bakulaw na ito na lamang ang tanging bukal ng sustansya ng palabas, sino tayo para magreklamo’t makisimpatiya? Sa madaling sabi, mas magandang di hamak ang ikalawang produksyon ng Hellboy sa simpleng dahilan na lipos ito ng mga bakulaw tulad ng Star Wars. Dangan lang, animo’y isininga ang mga bakulaw na ito ng higanteng palaka ng Pan’s Labyrinth. Mainam na rin kaysa pakiwari mo mga hindot na supling sila ni Hitler at Mussolini.