You Don’t Mess With the Zohan

sandler-zohan

Kinailangan nating maaliw upang maisantabi ang ngitngit sa biglaang bentahan ng tickets sa Eraserheads concert kaya pinanood natin ang Zohan. Nananaginip ng gising sina Sandler and Co. kung nangangarap silang ganito kadaling madi-disentangle ang ilang taong alitan sa pagitan ng Israel at lahat ng kaaway nito (Palestine, Lebanon, etc). Manirahan sa multikultural na Amerika, bansang bagsakan ng mga tumatakas sa gulo at kahirapan sa kani-kanilang bansa. Hindi ba’t ito rin ang panaginip/wish ng sinuman? Ngunit kung kasingkapal ng bulbol ni Zohan ang kailangang ma-rebond upang makamit ang ganitong pangarap, mainam pang umumit ng Gilette at ahitin ang kasukalan. Pero hindi nag-trim ng bulbol si Zohan—patunay na hindi siya nangangarap bagkus ginagawa lamang katawa-tawa ang isang napakaseryosong bagay na araw-araw ay kumikitil ng buhay (walang tunay na inosente o sibilyan sa anumang digmaan). Ito marahil ang puntong hindi palalagpasin ng mga kritikal na observer ng problema sa Gitnang Silangan—na ang kakulangan ng kaseryosohan na resolbahin ang problema ang dahilan sa patuloy na paglala ng problema. Kaya’t napapanahon na ang satirika para magising ang lahat at ang lahat ay would get their acts together? Aysus! ika nga ng Pedicab. Natatawa ako, hihihihi, ika nga ng Yano.

  1. on the contrary, the movie isn’t about a resolution that happened between the palestinians and the israeli per se. instead, it’s about palestinians and israeli who got tired of the war and went out of their own territories to make a new start in America. and in that neighborhood in new york city, they found themselves faced with a common foe, where they had to work together in order to uphold their right as human beings, throwing away their differences.

    it’s not an impossible dream to maintain peace between warring races, if they want peace within their hearts and their homes. if it is, then how come there are muslims selling their stuff here and there everyday, here in the Philippines? we see them with the christians, and they seem pretty fine and not stabbing each other.🙂

    • Martin Abesamis
    • Nobyembre 4th, 2008

    1. hindi ko sinabing this movie is about a resolution blah-blah-blah. panghayskul lang ang anumang uri ng pagrerebyu na gumagamit ng “this movie is about…” please read carefully kung ano exactly ang sinabi ko.

    2. naaappreciate ko ang pacifist wishes mo pero ang gulo sa pagitan ng israel at palestine ay hindi kasingsimple ng nais mong palitawin sa analohiya mo. minumungkahi kong basahin mo si edward said kaysa karen armstrong tungkol dito.

    3. pinatawa ako ng pelikulang ito. have to say that kasi baka isipin mo seryoso akong tao. pero hindi ko na kelangan yang isulat otherwise wala na kong maisusulat sa blog na ito kundi “natawa ako, fine” at “this movie is about…”. sayang naman ang utak ko.

    4. peace!

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: