Teeth

Hanggang sa puntong lantarang ipinakita ang piraso ng ngipin na nasa puke ni Dawn O’Keefe, pinagagana ng pelikulang Teeth ang ating maharot na imahinasyon: paanong kaylinis na natatagpas ang mga titing nangangahas kumantot sa babaeng may vagina dentata? May sapat bang puwersa ang mga kalamnan sa puwerta ng babae para sa ganitong dekapitasyon? Hitik hindi lang sa fiction kundi sa mga simbolikong posibilidad ang pagsagot sa tanong na ito. Minsan na tayong nakakita ng babaeng nagpapatalsik ng mga bola ng pingpong mula sa kanyang puke. Nabalitaan na rin natin ang bersyon ng kwento hinggil sa pagbukas ng tansan sa mga bote ng beer. Hindi na natin dapat ikagulat ang penomenon sa Teeth.

Narito marahil ang aliw ng Teeth: ang reimbensyon ng isang mito upang makumbinse tayo na sa kontemporaryong panahon ng lumalalang polusyong industriyal, posibleng may kahalintulad ang ating pinanonood sa tunay na buhay. Nakaliligalig ang naturang posibilidad. Batid kasi natin na walang imposible sa mutasyon, lalo na sa ebolusyon ng katawan. Gamit ang istruktura ng trahedya at sindak, mabisang ipinababatid sa atin na maghunos-dili sa libido dahil may kinahihinatnan ang bawat pagkasta.

Posibleng sabihin na sa kaibuturan pala, isa lamang konserbatibong atake sa lumalalang kultura ng teenage sex sa Amerika ang Teeth. Iyan ay kung magiging bulag sa pagkilala na ang pelikula ay halos isang paean kay Freud at sa teorya nito ng Oedipus complex. Literal ang bawat eksena ng kastrasyon sa pelikula. Sa isang tagpo sa dulo ng palabas, kinain pa ng isang aso, na ang pangalan ay Mother, ang piraso ng natagpas na titi. Makapangyarihan ang mga nasabing eksena na maaaring ikatuwa ng mga taga-Gabriela.

Sa kabila ng peministang adbenturismong taglay ng Teeth, mas mahalaga, lumilitaw ang ideya ng represyong sekswal bilang isang natatanging ideyal na nasa kabila ng reyalidad. Na ang trahedya, halimbawa, ay nananatili lamang na trahedya hangga’t ganito ang kanyang pag-iral sa ating ulirat (unconscious). Sa madaling sabi, ang represyong sekswal ay maituturing lamang na isang uri ng represyon hangga’t hindi natin nakikilala ang kanya-kanyang responsibilidad sa anumang akto ng pakikipagtalik. Hindi ito pagsasalsal sa salita ni argumento para sa responsableng pakikipagsex. Hindi rin ito lagpas na pagbasa sa inihain ng palabas. Ang sa akin lang, pinagtitibay ng Teeth, halimbawa, marahil, ang paniwala na higit na maluwalhati’t masarap ang blowjob kung walang kumakayod na ngipin.

  1. ser, interesanteng rebyu/post. ‘may kinahihinatnan ang bawat pagkasta’ – nakawin/hiramin ko po itong linyang ito.🙂 mapanood nga itong pelikulang ito.

    • Martin Abesamis
    • Setyembre 3rd, 2008

    hindi ba masyadong pedestrian ang linyang ito para sa tulad mo? hehe.. sige lang po, walang problema.

  2. hehe joke lang po. pero napaisip naman ako sa post na ito.

  3. dahil ang reimbensiyon ng puday ang bumuhay sa pelikulang ‘to, kaya maraming ari (o tite) ang naging intresado dito.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: