Madagascar: Escape 2 Africa
Tunay na hindi nasyon, pinagmulan, o katangiang pisikal ang susing usapin sa usapin ng identidad kundi ang empirikal na pakiramdam, kung ano ang lantay na pinipintig ng puso. Pusa ka man o hippopotamus, pero kung ang sinasabi ng iyong hypothalamus ikaw ay isang inuuod na tuod, sa modernong panahon ng hightech na animasyon, malamang ikaw nga ay isang nabubulok na kahoy. Dahil virtualidad at hindi corporeality ang mahalaga sa epokang digital, ang epoka ng emo at hindi ng rason. Ngunit kung nabatid ito ng mga batang manonood ng Madagascar 2, tanging mga alipores ni Spielberg na lang ang nakakaalam.
Advertisements
basta “i like the movie, movie, I like the movie, movie.” 🙂
love ko yung penguins! kahit R18 ang jokes. hehe..
Pusa ka man o hippopotamus, pero kung ang sinasabi ng iyong hypothalamus ikaw ay isang inuuod na tuod, sa modernong panahon ng hightech na animasyon, malamang ikaw nga ay isang nabubulok na kahoy. Dahil virtualidad at hindi corporeality ang mahalaga sa epokang digital, ang epoka ng emo at hindi ng rason. – ang pilantik ng ‘yong mga salita, mapilantik ngunit may pangil. saludo!