Walang Kawala (No Way Out)

noway

Posibleng direktang pinaksa na ng pelikulang ito ang politikal na usapin ng desaparecidos. Posibleng ito ang nawawalang sequel ng pelikulang Huwag po! Huwag po! Posibleng ikaw na mismo ang magfill-in-the-blank sa tanong na “Ano raw?” at magkandapilipit man ang dila mo sa paliwanag, pihado gayon pa rin ang magiging pagtangkilik dito. Dahil walang inaabangan at walang ibang mahalaga para sa sandamukal na mga bakla sa loob ng sinehan, lalo na ang mga nakatayo sa likuran kahit pa kadaming libreng upuan, kundi ang pagleleps-to-leps ni Bitangcol at Ravales, liban pa sa mga eksena ng macho dancing. Kahirap maging lalakeng artistang walang career sa telebisyon sa panahong ito ng piniratang DVD at mas liberal na homosexualidad. Pampatigas-titi na lang ang papel nila sa altar ng merkadong handang dumayo sa UP Film Center at sa dadalawang sinehang pinagpapalabasan ng ganitong palabas. Narito ang bagong uri ng kanibalismo, nasa luklukan ng “katalinuhan” at komersyo, at paglabas mo ng sinehan, nangangamoy di lang dugo kundi pati tamod.

  1. No trackbacks yet.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: