Daybreakers
Ang pinakamahusay at pinakanakakagulantang na eksena sa pelikulang ito ay naganap sa unang sampung segundo nang mula sa wala ay biglang lumipad ang isang paniki. Muntik ko nang madampot at maibato ang tsinelas ko sa telon ng sinehan sa gulat. “Wag!” sabi ng kasama ko. “Havaianas yan.” Hinubad niya ang butas-butas at gula-gulanit niyang itim na Converse sabay pukol sa harapan. Tumakbo kami palabas matapos marinig ang malakas na “the fuck!”.
“Balik tayo,” sabi ko. “Sayang ang bayad.”
“Wag na. Parang mas masaya yung Universal Soldiers.”
Pagbalik namin sa tiketera, napansin naming kulang pang pangvaluemeal ang aming pera.
“Uwi na lang tayo. Birthday special ni Sharon.”
Advertisements
Haha I love you Bolix panalo lang sa mga banat. Nagulat ako at may blog pala ang MTRCB. +1 to you.
Hardcore lang din sa Tagalog. 🙂
Merci! Gustuhin ko mang magbisaya, dehins ko kaya. At yang MTRCB reviews, kumorni na rin kasi yung mga writeups nila kaya tinamad na rin ako. Hehe.
Huy! Magjamming naman tayo nina GG etal. Inaalikabok na ang regalo naming Mickey Mouse kay.. ano na nga name nung bata?
ser, ayokong palampasin ang lalim ng pananagalog mo, hindi ako makaiwas, dahil mahusay ang pagkakalapat. isa pang hindi ko maiwasan, ang lalim at babaw ng humour mo. nakakaaliw, nakakatawa. sulit.
ang sarap bumasa at sumubaybay ngmag postdito.