For The First Time

 

Aminin na natin, ang For the First Time ay pelikula ni KC Concepcion at sadyang kay KC lang. (Richard Gutierrez? Sino namang kumag ‘yun?) Pilit at paulit-ulit kong inaalala ang puntong ito dahil pakiramdam ko, lalo na sa unang hati ng pelikula, mas bida sina Candy Pangilinan at Nor Domingo. Kung si KC ang tanging alas ng buong palabas, bakit puro long shots? Bakit puro buhok at likod ni KC ang aming nakikita? Dinadaldal ni KC ang dialogue niya ngunit bakit lampara, mga puno, at dagat ang ipinapakita? Dahil di marunong umarte si KC? Keber sa abilidad niya sa pagganap! Kahit pa tila sinasinusitis ang pag-iyak ni KC sa big screen, kahit pa mukhang nalusaw sa Garnier ang pagmumukha niya, wala kaming pakialam. Hanap lang namin sa ganitong palabas ang isang uri ng kababawan mula sa isang “star” na makapagpapagaan sa aming pakiramdam. Kamalas-malas, malalim ang dagat sa Aegean at nalunod lang kami sa aming katangahan.

You Don’t Mess With the Zohan

sandler-zohan

Kinailangan nating maaliw upang maisantabi ang ngitngit sa biglaang bentahan ng tickets sa Eraserheads concert kaya pinanood natin ang Zohan. Nananaginip ng gising sina Sandler and Co. kung nangangarap silang ganito kadaling madi-disentangle ang ilang taong alitan sa pagitan ng Israel at lahat ng kaaway nito (Palestine, Lebanon, etc). Manirahan sa multikultural na Amerika, bansang bagsakan ng mga tumatakas sa gulo at kahirapan sa kani-kanilang bansa. Hindi ba’t ito rin ang panaginip/wish ng sinuman? Ngunit kung kasingkapal ng bulbol ni Zohan ang kailangang ma-rebond upang makamit ang ganitong pangarap, mainam pang umumit ng Gilette at ahitin ang kasukalan. Pero hindi nag-trim ng bulbol si Zohan—patunay na hindi siya nangangarap bagkus ginagawa lamang katawa-tawa ang isang napakaseryosong bagay na araw-araw ay kumikitil ng buhay (walang tunay na inosente o sibilyan sa anumang digmaan). Ito marahil ang puntong hindi palalagpasin ng mga kritikal na observer ng problema sa Gitnang Silangan—na ang kakulangan ng kaseryosohan na resolbahin ang problema ang dahilan sa patuloy na paglala ng problema. Kaya’t napapanahon na ang satirika para magising ang lahat at ang lahat ay would get their acts together? Aysus! ika nga ng Pedicab. Natatawa ako, hihihihi, ika nga ng Yano.

Torotot (Destierro)

Tila hindi mamatay-matay na trope sa pelikulang Filipino ang pakikiapid ng mga may-asawa na para bang wala ng ibang tema na maaaring gawan ng pelikula, na para bang hindi batid ng manunulat at direktor ng Torotot (Destierro) na kahit basahan, matapos ang paulit-ulit na gamit, ay kinalaunan itinatapon din. Hindi mapakali ang pelikula—para bang nahulugan ng higad at kinakamot ang sarili na sana makarating ito sa dulo ng palabas.  Pamagat pa lang dama mo na ang naturang problema (kaya may subtitle para kunwari pa-profound). Lalabas ka ng sinehan na tila na-Batibot (educational pala itong pelikula!) dahil may ipinababatid na dalawang aral: (1) leksyon ng “destierro”; at (2) na size, still, does not matter—maliit o malaki man ang titi mo, paghusayin mo ang pagkantot.